Maaari bang magbura ng iniwan na feedback?

Para mapanatili ang integridad ng Feedback system, ang users ay hindi maaaring magtanggal ng feedback sa kanilang profiles o sa profile ng iba pang Carousellers.

Kung nakatanggap ka ng Feedback na hindi ka sangayon, maaari kang magreply sa feedback na ito para maibahagi ang iyong bersyon ng pangyayari. Iminumungkahi rin namin na kontakin ang iyong nakadeal para malaman kung saan nagkamali at magisip ng solusyon na inyong mapagkakasunduan para maging maayos ang transaksyon!

Maaari mo rin kaming kontakin kung ang feedback na iyong natanggap ay hindi naaangkop at/o may mapangabusong salita. Ang aming team ay maaaring magimbestiga niyo depende sa kaso at gagawa ng aksyon alinsunod sa aming polisiya. 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
4 sa 9 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.