Ano ang gagawin ko kapag ang ka-deal ko ay suspendido?

Kung ang user na iyong ka-deal ay na-suspinde, siya ay maaaring nakitaan ng aktibidad na labag sa aming Community Guidelines.

Maaaring ito ay dahil sa pag-post ng mga ipinagbabawal na ibenta o sa maling pag-gamit ng amaing platform.

Para sa unang hakbang, maaari mong tingnan kung ang items na iyong sinubukang bilhin ay nasa listahan ng aming prohibited items.

Hinihikayat namin kayo na huwag ituloy ang transaction. Kung hindi ka pa nakakapagbayad sa user, huwag muna magbayad hangga't hindi nareresolba ang issue.

Bukod dito, maaari mo ring i-check sa iyong chat records kung ang user ay nagiwan ng kanyang mobile number o kahit anong form ng komunikasyon.

Kung nakapag-bayad ka na sa user at hindi mo siya ma-contact, maaari mo itong ipagbigay alam sa amin sa pamamagitan ng pag-submit ng request sa ibaba para sa karagdagang tulong.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
31 sa 39 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.