Bilang Seller

SELLERS

  • Sabihin ng malinaw sa buyer ang iyong mga policy, kung meron- Kung mayroon kang kahit anong return, refund or exchange policy, siguraduhin na mapagbigay-alam ito ng klaro sa buyer bago magkipag-deal.

  • I-suggest ang tracked / registered mail kapag posible - Ang pagkakaroon ng tracked mail ay magbibigay sa’yo at sa buyer ng peace of mind na ang item ay madedeliver. Makakatulong rin ito sa’yo, as a seller, na maka-iwas sa scammers.

  • Paalahanan ang iyong buyers to ‘Make an Offer’ bago makipag deal - Mariin naming pinapapaalahanan ang users na huwag mag-accept ng offer hangga’t hindi pa nakukumpirma ang dealing method. Maaari ka lamang mag iwan ng feedback sa ibang user kung nag-offer ang buyer at na-accept ito ng seller. Palaging gamitin ang offer system kapag makikiag-deal para makapag iwan ng feedback sa buyer kung sakaling magkagulo sa deal.

  • Hantayin na matanggap ang payment bago ipa-deliver ang item - Kung pinili ng buyer mo na ipadeliver ang item, palaging siguraduhin kung talagang nakapag bayad na ang buyer bago ipadeliver ang item. Kahit nag-provide na ang buyer ng transaction receipt, we strongly advise na i-check muna ang bank transaction history para masigurado na nareceive mo na yung payment bago mapadeliver yung item.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
60 sa 64 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.