Bilang Buyer

BUYERS

  • Do your research - Kung hindi ka sigurado sa authenticity ng item o pakiramdam mo na kahina-hinala ang binebenta, ‘wag kang mag o-offer hangga’t hindi ka nakakasigurado na authentic yung item. Kapag may nakita kang binebenta na kahina-hinala, maari mo itong ipagbigay alam sa Carousell team.

  • Basahin ang descriptions ng listings - Ang sellers ay madalas magbigay ng detalyadong description ng kanilang binebenta sa kanilang listing. Basahin muna ito ng maigi bago makipag-deal para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

  • Basahin ang user feedback - Masusuri ang kredibilidad ng isang seller sa pagbabasa ng user feedback na nasa Carousell profile niya. Kapag hindi ka kumbinsado sa feedback, ‘wag kang makikipag-deal.

  • Basahin ang profile ng seller - Madalas ay nakasulat sa Carousell bio ng seller ang kanilang shop policies, eg. kung open sila makipag negotiate sa presyo o kung willing sila makipag meet-up, etc. Siguraduhin na mabasa ang mga ito bago makipag-deal para masigurado na smooth ang transaction niyo.
  • Mag-tanong - Huwag basta basta mag-offer. Mag-tanong muna sa seller, humingi ng mas maraming picture ng item or katibayan na authentic yung item at siguraduhin na malinaw ang lahat bago kumpirmahin ang deal.

  • Ask for registered / tracked mail or a certificate of posting - Importante ito lalo na kapag mamahalin ang items na iyong bibilhin. Maging maagap!

  • Gamitin ang offer system - Ang buyers ay maaring mag iwan ng feedback para sa mga sellers pagkatapos mag-offer at ma-accept ng seller ang offer. Para makasigurado na makakapag-iwan ka ng feedback sa seller kung sakaling hindi maging maganda ang transaction, palaging mag offer muna at siguraduhin na inaccept ito ng seller bago mag bayad para sa item.
  • Check your item - Kung pinili niyo mag meet-up ng seller, i-check mo ng mabuti ang item mo bago ito bayaran para masigurado na walang problema sa item. eg. condition at size ng item, etc.

  • Mag doble ingat sa pag bili ng event tickets at vouchers- Kapag bibili ng resale tickets o vouchers, parating humingi ng picture ng terms and conditions nung item. Kadalasan ay nakalagay ito sa kabilang side ng ticket or voucher. Ang ibang tickets at vouchers ay hindi pwedeng mabenta ulit at may chance na ma-reject yung ticket ng ticket vendor. May ibang tickets rin na tied sa original na bumili at dahil dun, hindi ito pwedeng magamit ng iba. May chance na pigilan ka makapasok sa event o sa pag gamit ng voucher kapag nakuha mo ito sa ibang seller.
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
61 sa 94 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.