Maaari bang magbura ng iniwan na feedback?

Para mapanatili ang integridad ng Feedback system, ang users ay hindi maaaring magtanggal ng feedback sa kanilang profiles o sa profile ng iba pang Carousellers.

Kung nakatanggap ka ng Feedback na hindi ka sangayon, maaari kang magreply sa feedback na ito para maibahagi ang iyong bersyon ng pangyayari. Iminumungkahi rin namin na kontakin ang iyong nakadeal para malaman kung saan nagkamali at magisip ng solusyon na inyong mapagkakasunduan para maging maayos ang transaksyon!

Maaari mo rin kaming kontakin kung ang feedback na iyong natanggap ay hindi naaangkop at/o may mapangabusong salita. Ang aming team ay maaaring magimbestiga niyo depende sa kaso at gagawa ng aksyon alinsunod sa aming polisiya. 

Ito ang mga karaniwang sitwasyon na may kaugnayan sa pagtanggal ng Feedback:

1) Pag-tanggal ng feedback sa profile ng iyong nakatransact

  • Ang iniwang Feedback ay hindi constructive. Ang Feedback system ay isang tool para makatulong na ma masukat ang kredibilidad ng isang Carouseller. Paano makakakatulong sa iba pang Carousellers ang isang Feedback kung hindi ito constructively written? Isipin ang “okay” vs. “ang user ay nalate ng 30 minutes para sa deal pero maayos naman ang kondisyon ng item.” Hint: Hindi makaisip ng ilalagay? Maaari mong gamitin ang feedback templates as guides; hindi ka magkakamali gamit ang mga iyon! 
  • Pangingikil na Feedback. Hindi namin pinahihintulutan ang pagiwan ng negative feedback para magbanta o mamilit ng buyers o sellers na sumangayon sa isang bagay na hindi napagusapan sa orihinal na deal. Gayundin, ang sellers ay hindi aaaring magdemend ng positive feedback mula sa buyers gamit ang negative feedback.
  • MIA. Naiintindihan namin na ang pakikipagusap sa iresponsableng users ay hindi kaaaya-ayang experience :(. Alam din namin na may limitasyon ang aming Feedback System, kung saan ang user na ito ay maaaring magiwan ng mapaghiganting feedback.

2) Pag-tanggal ng feedback mula sa profiles ng parehong parties

  • Walang kasunduan/intensyon na kumpletuhin ang deal. Ang kasunduan na makipagdeal ay defined by both parties commitment to a deal. Ang isang deal ay considered na "sealed" kung ang parehong parties ay mahaba na ang napagusapan patungkol sa lahat ng aspeto ng deal, katulad ng kondisyon ng item, presyo na napagkasunduan na ng parehong buyer at seller at ang paparaan ng pag-deliver o ang lugar at oras ng meet up. Halimbawa, kahit na nagkaroon na kayo ng detalyadong diskusyon patungkol sa presyo at kondisyon ng item bago makipagdeal, pero ang parehong users ay hindi makaaccomodate ng schedule ng kabilang user para sa meet-up, ang kasong na ito ay classified parin na walang kasunduan na makipagdeal. 
  • Ang deal ay hindi naisagawa pagkatapos mag meet up. Walang buyer ang sasadyain na pumunta sa meet up place para lang umuwi na walang bitbit. Kung ayaw bilhin ng buyer ang item pagkatapos nila ito i-check, huwag pilitin ang hindi willing na deal. Wala ring buyer na gusto bumili ng isang bagay na hindi tugma sa kanilang expectations at wala ring seller ang gusto na walang tigil na pagtanggap ng mga tanong mula sa buyer na bumili ng item na hindi tumugma ang item sa kanyang expectations. 

3) Bahagyang-pag-tanggal ng feedback

  • Feedback na naglalaman ng kahalayan o bulgaridad (vulgarities)
  • Feedback na naglalaman ng kahit anong klase ng personal na impormasyon

4) Hindi pagtanggal ng feedback sa parehong parties

  • Lost mail incident. Sa kasamaang palad, sa ganitong sitwasyon, ang parehong parties ay parehong may responsibilidad na kailangang akayin :( As a seller, iyong responsibilidad ang pag-offer ng registered mail para masiguro na ang buyer ay matatanggap ang item. As a buyer, iyong responsibilidad ang pag-request ng registered mail para masiguro na ang item ay matatanggap. 

  • Item not up to expectation. Katulad ng pagkawala ng isang mail, ang parehong parties ay pareho ring may responsibilidad ng kailangang akayin. As a seller, iyong responsibilidad na i-describe ang item accurately at maging tapat patungkol sa kahit anong issues ng item o serbisyo na kailangang malaman ng buyers. As a buyer, iyong responsibilidad ang pagtatanong ng mas maraming detalye at photos ng item na iyong bibilhin at pati ang pag-aarrange ng meet-up para macheck kung ang item ay tugma sa iyong expectation. Note: Not to be confused with misrepresentation, kung saan ang item na iyong natanggap ay sobra sobrang iba sa pagkakaadvertise nito. Kung ikaw ay biktima ng misrepresentation sa platform, maaaring ipagbigay alam ito sa amin dito.

For verification purposes, nirerequire namin na ang deal ay nangyari sa aming platform. Kung ang conversation ay nadala sa labas ng app chat, maaari lamang na i-attach ang relevant screenshots ng inyong chat sa request na inyong isusubmit. 

Mangyari lamang na tandaan na ang aming team ay may karapatan na mag-reject ng kahit anong klase ng screenshots na kaduda-duda. Dahil dito, mas mainam na panatilihin ang chat na mangyari sa aming platform para sa pagbeberipika.

 

Effective on August 16th, 2017

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1 sa 1 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.