Paano mag-iwan ng Feedback?

Ano ang Feedback system at papaano ito gamitin?

Ang Feedback system ay isang paraan para masukat ang kredibilidad ng isang Carouseller, dahil ito ay nagpapakita ng kalidad ng kanyang mga transaksyon sa mga kapwa miyembro ng komunidad.

Ang pagiwan ng feedback ay importante sa isang buyer at seller, dahil ito ay nakakatulong na makabuo ng tiwala sa loob ng komunidad ng Carousell!

Kung makatanggap ka ng feedback na sa tingin mo ay hindi tama, maaari kang magreply sa feedback para ma-share ang iyong bersyon ng istorya. Maaari mo ring i-contact ang iyong nakatransact para malaman kung saan nagkamali at mag-request na palitan ang feedback sa pamamagitan ng paghantong sa isang kasunduan na pareho kayong payag na gawin para matapos ang transaksyon ng masaya!

Paano mag-iwan ng Feedback?

Leaving a feedback

Maaari ka nang magiwan ng feedback para sa isang user pagkatapos na ma-accept ang isang offer!

Sa oras na ang offer at acceptance ay magawa sa chat, magkakaroon ng option sa mismong chatbox na iyon para magiwan ng feedback para sa nakatransact mo!

Automatic kang madadala sa page kung saan maaari kang magiwan ng "Positive", "Neutral" o "Negative" na rating, at isang mini testimonial na may 500 na character limit para ilagay ang iyong naging experience! 

Kapag nakapagsend na ng feedback, maaari mo ring i-share ang iyong Carousell experience sa Facebook o Twitter. Kung hindi, maaari mong i-tap ang "Done" para makapag-Carousell muli!

Editing a feedback

Maaari kang mag-edit ng feedback na iniwan mo para sa isa pang user. Pumunta lamang sa feedback na iyon at i-tap ang "Edit" icon para palitan ang rating at ang review! Ito ay applicable rin sa Feedback replies.

Hindi lamang mapapalitan ang feedback na iniwan para sa iyo.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
426 sa 598 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.