Community Guidelines (Tagalog)

Ang ating Community Guidelines ay narito para tulungan ang lahat na maintindihan ang nakalakip na mga responsibilidad sa pagiging parte ng ating Carousell community. As we continue to fill our lives with more meaningful things, tandaan na pwede nating gawing meaningful ang lahat ng ating deals by being awesome!
 
Sa Carousell, nais namin na ang lahat ay: 
   
Maging caring
We care about our community, at kalakip nun ay caring about how you care for the comminity din! Palaging tandaan na maging polite at magbigay ng respeto sa isa't-isa sa lahat ng transactions as we continue to declutter our lives. 
  
Mag-effort
Sa loob ng 30 seconds, gamitin ang mga unang segundo para pagandahin ang cover photo ng iyong listing - we're not kidding kapag sinabi namin na kapag mas attractive ang cover photo, mas maraming views ang makukuha ng listing na ito! Pagkatapos, isipin ang ilalagay na presyo na hindi matatanggihan ng buyer. Finally, maglagay ng makatotohanang description ng item bago mo ito i-list. That’s it: 30 seconds of real effort.
 
Bumuo ng Tiwala
Develop a reputation na ikatutuwa ng prospective buyers, at hindi kabaliktaran. Ang bawat isang deal ay pagkakataon para magkaroon ng bagong kaibigan, o supporter! 
 
Take Responsibility. Maging Responsable
Maging responsable sa iyong actions at itrato ang lahat kung papaano mo sila gustong itrato ka. Kung ang parehong parties ay nag-commit sa deal, hindi magiging maganda kung magbabackout ka from it (at kapag may ibang nag-offer ng mas magandang deal)
  
Make an offer, hindi challenge
Lahat tayo ay gusto ng willing na buyer, syempre pati ng willing na seller.
 
Manatiling ligtas
Kung ikaw ay makikipag-meet-up, i-arrange ang meet-up sa isang pampublikong lugar kung saan ang parehong parties ay hindi maiiwang magisa - katulad ng malls o train station. Kung isesend naman ang item through shipping, siguraduhin na mag-check ng mag-check.
 
Pumili ng appropriate na username
Huwag sadyain na maglagay ng username na hindi magandang marinig kapag sinabi out loud. Don't give yourself a bad name – literally.

List your items/services sa tamang category
Bago ka mag-list, i-explore ang iba't-ibang categories na available sa platform para mapagdesisyunan kung ano ang pinaka-akmang category para sa iyong item! Ang pagkakaroon ng tamang categories ay makakabuo ng masayang browsing experience para sa users.
 
Ang mga bagay na hindi namin gustong gawin ninyo: 
 
Gusto namin na ang lahat ng Carousellers ay maramdaman na welcome sila at makapag-contribute sa ating community, at gustuhin man namin na gawing free and easy ang lahat para sa users, naglagay kami ng ilang house rules na kailangang alalahanin ng lahat. Tandaan, ang pag-violate ng anuman sa aming guidelines ay maaaring mag-resulta sa restriction o suspension ng iyong Carousell account. Gusto rin naming i-share na higit pa sa mga guideline, ang Carousell Admin team ay mayroon ring karapatan na mag-take ng mga enforcement action sa accounts na makikitaan na lumabag sa aming Terms of Service.
 
Huwag mag-list ng mga ipinagbabawal ng items
Open ang Carousell para sa lahat ng indibidwal regardless sa kanilang edad, kaya panatiliin natin na malinis at ligtas ang Carousell. Kabilang sa mga ipinagbabawal na items sa aming platform ay ang mapanganib, hindi akma, iligal, o items na makakapanganib sa users. I-click ang link na ito para makita ang buong listahan ng prohibited items.
 
Huwag mag-post ng paulit-ulit na listings
Maaari lamang na mag-lista ng iyong item o service ng isang beses lamang para maging maayos at mas masaya ang browsing experience ng lahat - ang pagrerelist ng paulit-ulit ay nakakaapekto sa komunidad ng Carousell. Lahat ng users ay hindi maaaring magkarron ng mas madami sa isang listing na patungkol sa iisang item o service. I-click ang link na ito para sa mas marami pang detalye patungkol sa duplicate listing.
 
Huwag gumamit ng keywords na hindi konektado sa listing
Maaari lamang na huwag gumamit ng irrelevant na tags para mag-describe ng iyong item o service dahil nakakaapekto ito negatively sa experience ng users.

Huwag gamitin ang platform for promotions
Hindi namin nirerekomend ang self-promotion at commercial spam URLs ng websites - hinihiling namin na panatilihing tapat at makabuluhan ang lahat ng iyong interactions. Nalalapat din ito sa listings, chat activities at sa lahat ng interactions sa Carousell. Ang users na mag-e-engage sa promotional abuse ay masususpinde sa aming platform without further notice.
 
Huwag maging creepy
Huwag humiling ng mga hindi akmang requests o comments na magreresulta sa pagiging hindi kumportable ng iyong ka-chat.
 
Huwag mag-list ng items o services na naglalaman ng mga content na hindi iyo
 
Sa Carousell, nirerespeto namin ang karapatang intelektwal ng iba at hindi namin ina-allow na  magkaroon ng kahit anong content sa isang listing na labag sa karapatang intelektuwal ng iba.
  
Maaari lamang na huwag mag-blacklist ng kahit sino
Maaaring may mga panahon na gugustuhin mo na mag-post ng screenshots ng account ng iyong naka-deal sa iyong profile para i-blacklist sila. Kaya lang, hindi ito ang best way para mag-resolba ng issue. Hindi namin ine-encourage ang magbukod ng users sa ganitong paraan sa Carousell dahil ito ay isang klase ng harassment na nagva-violate sa ating guidelines.
 
Sobrang importante para sa amin ang iyong experience sa Carousell at nandito kami palagi para maging mas maayos ito every step of the way. Kung maka-encounter ka ng kahit anong issue sa iyong binili o sa iyong kapwa Carouseller, mag-reach out sa amin dito
Nakakatulong ba ang artikulong ito?
526 sa 625 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.