Paano ma-feature o maging recommended seller sa Carousell?

Ang Carousell community ay binubuo ng maraming hard-working at friendly sellers na nagbibigay ng madaming oras at pagsisikap into making Carousell the community that it is today. Para magbigay ng recognition sa awesome users namin, pumipili kami ng sellers at kanilang items para i-feature sa aming collection banners from time to time.

Maraming reputable sellers sa aming platform na hindi lahat ay nafefeature namin! Great news us, lahat ay maaaring ma-feature and we hope na ma-feature ka namin at some point.

Ang sellers ay hindi nagsusubmit ng kanilang shops o items para mafeature at hindi rin kami tumatanggap ng submissions para ma-feature. Sa halip, ang aming Carousell Curation Team ay mano-manong iniikot ang ating marketplace para sa items at shops na pwede naming ifeature sa aming themed collection.

Ito ang ilan sa mga tips para mas maging mataas ang chance na mapili ka ma-feature:

 

  1. Make sure your photos are awesome!
    Importante ito para i-promote ang iyong shop para ma-feature. Ang photos ang unang tinitingnan ng aming team during curation kaya siguraduhin na ang photos ng iyong listings ay malinis, maganda, crips, at maayos ang lighting.
  2. Work on your listing descriptions
    Ang quality ng iyong listing ay ang susi sa pag-benta sa Carousell kaya siguraduhin na ang items ay madescribe ng maayos at wasto. Ito ay makakatulong din para mas madaling mahanap ng shoppers (at ng Carousell team!) ang iyong listings sa marketplace.
  3. Price your items accurately
    I-list ang iyong items na may angkop na presyo at subukan na huwag ito lagyan ng Php 0 na presyo.
  4. Sumunod sa Community Guidelines
    Huwag magbenta ng kahit anong ipinagbabawal at siguraduhin na ang iyong listing descriptions ay walang tags o keywords na walang relasyon sa listings.
  5. Have great community feedback
    Ang pagiging isang masayang kumunidad ay isa sa mga bagay na gusto naming mapanatili sa Carousell at makakatulong ang madaming positive feedback mula sa kapwa mo users! Ang pag-reply sa neutral o negative feedback ay makakatulong din na ma-explain ang iyong side of the story at na maboost ang iyong kredibilidad as a seller. Palaging maging magalang, mabait at marespeto sa lahat ng myembro ng komunidad.
  6. Maging active member ng Carousell community
    Habang ang bilang ng page views, likes at comments ay hindi nangangahuluhan ng iyong magandang quality at kredibilidad as a seller, ang pagkakaroon nito ay nakakatulong din para mas mapansin kayo. Huwag kalimutan na i-share at i-promote ang iyong listings at Carousell profile sa Twitter, Facebook at Instagram!

Palaging tandaan na palagi kaming naghahanap ng awesome sellers para ma-feature sa aming marketplace kaya huwag mawalan ng pagasa kung hindi mapili kaagad! Maaari mo rin i-check ang link na ito para sa iba pang selling tips here.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
6 sa 6 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.