Paano mag-benta sa Carousell?

Isa sa mga pinakamadaling gawin sa Carousell ay MAGBENTA!

Ito ang guide kung papaano magbenta ng iyong unang item dito sa Carousell: 

Mobile app

  1. Buksan ang app
  2. I-select ang "+" icon (iOS) o "Sell" (Android)
  3. Bibigyan ka ng option na mag-take ng photo on-the-spot o pumili ng photo(s) mula sa iyong gallery. Maaari kang pumili ng hanggang 4 na photos
  4. Punan ang relevant fields — "Category", "Item" at "Price" ay ang mga fields na kailangang mapunan.
  5. I-select ang "Submit"

Carousell Web*

  1. I-select ang "Sell" sa taas at kanang bahagi ng page
  2. Pumili ng maayos photo na magre-represent sa item na iyong binebenta! Kung ang photo ay masyadong malaki, makakareceive ka ng prompt na i-resize ang photo (punan ang 3 slots kung mayroon kapang ibang photos na gusto mong idagdag!)
  3. Kapag nakapili ka na ng photos, i-select ang green na "Save" icon na makikita sa photo preview box
  4. Punan ang lahat ng fields sa form — "Category", "Item" at "Price" ay ang mga fields na kailangang mapunan.
  5. I-select ang "List my item" sa dulo ng form!

Kapag hindi ma-select ang "List my item", ang maaaring dahilan ay hindi napunan lahat ng necessary fields. Makakatanggap ka ng error message na magsasabi sa iyo kung ano ang mali.

Matapos ito, ang iyong item ay kaagad na mapopost sa marketplace! Ang mga bagong items din ay mapupunta sa pinakataas na bahagi ng Recent category.

Interesado ka rin bang bumili ng item? I-check ang aming guide on buying on Carousell.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
10 sa 27 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.