Hindi pa rin ako nakakatanggap ng Push notifications

May mga pagkakataon na ang Push notifications ay nadi-disable sa iyong device kung meron kang maraming accounts na madalas mong binubuksan gamit ang iyong device. Nangyayari iyo dahil sa pagka-mismatch ng Push tokens na naka-pair sa isang device. May iba't-iba sitwasyon kaming ipapakita para sa mga karaniwang push notifications issues pero may mga ilang pagkakataon na ang issue sa Push Notification at dahil sa APNs or GCM.

Ito ang ilan sa mga paraan para masolusyonan ang mga karaniwang dahilan ng push issues:

For iOS

Kung naka-enable ang iyong Push Notifications sa iOS at Carousell settings mo pero hindi ka parin makatanggap ng kahit anong notifications patungkol sa iyong Carousell account, ito ay maaaring maresolba sa pamamagitan ng pag-refresh ng Push Notifications token. Sundin lamang ang mga sumusunod na steps habang naka-open sa background ang iyong Carousell app:

  1. Buksan ang iOS settings
  2. Piliin ang Notifications
  3. Hanapin ang Carousell app sa menu at pilitin ito
  4. I-set ang "Allow Notifications" to active
  5. I-set ang "Sounds" and "Show in Notification Centre" to active

Kung naka-login ka naman sa ibang Carousell accounts sa parehong iOS device, i-restore ang push notifications by performing the steps outlined below:

  1. Mag-logout
  2. Mag-login muli sa iyong account
  3. I-restart ang iyong Carousell app sa pamamagitan ng pag-double tap sa home button at i-slide pataas ang Carousell app
  4. Buksan muli ang Carousell app

Kapag hindi gumana ito, i-reinstall ang iyong Carousell app mula sa App Store.

For Android

Kung naka-enable ang iyong Push Notifications sa Android at Carousell settings mo pero hindi ka parin makatanggap ng kahit anong notifications patungkol sa iyong Carousell account, 0-check ang mga sumusunod para masigurado na ang iyong phone settings ay indi nabablock ang push notifications:

  1. Pumunta sa settings ng iyong phone at siguraduhin na ang Priority Mode ay hindi naka-on o kaya ang Carousell ay naka-enable sa Priority mode
  2. Siguraduhin na ang "Restrict Background Data" ay hindi nala-check para sa Carousell at Google Services 
  3. I-check kung naka-deactivate ang notifications apps katulad ng Clean Master Check para sa Carousell

Kung hindi pa rin nakakatanggap ng notifications sa iyong device, sundin lamang ang mga sumusunod na steps para marestore ang iyong Push Notifications token:

  1. Buksan ang Carousell at mag-logout 
  2. Mag-login muli sa iyong Carousell account
  3. I-Force-quit ang Carousell app by going to your Settings > Applications Manager > Force Stop/Quit (or similar steps)
  4. Buksan muli ang Carousell app

Kapag hindi gumana ito, i-reinstall ang iyong Carousell app mula sa Play Store.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 2 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.