Paano mag-login sa Carousell account ko?

Mobile app

Email/Username login

Mag-login sa iyong Carousell account gamit ang iyong username at password:

  1. Buksan ang app
  2. I-select ang "Sign up or Log in with Email" (iOS) o "Email" (Android)
  3. Ikaw ay agad na madadala sa "Sign Up" page
  4. Piliin ang "Log in"
  5. I-enter ang iyong email address or Carousell username and password
  6. I-click ang "Done" (iOS) or "Login" (Android) pagkatapos

Facebook login

Para sa Carousellers na nag-link ng Facebook account sa kanilang Carousell account o nag-sign up via Facebook, maaari kang maglogin via Facebook.

  1. Buksan ang app 
  2. Piliin ang "Sign up or Log in with Facebook" (iOS) o "Facebook" (Android)
  3. Ikaw ay agad na madadala sa iyong web browser kung saan may pagpipilian kung magla "Log In with the Facebook App" o "Log In with Phone Number or Email Address" (kapag iOS) o na ilagay ang iyong login credentials (kapag Android)
  4. Piliin ang preferred mo na paraan para mag-login. Pagkatapos nito ay automatic na madadala ang session sa isang page kung saan i-iinform ka na "You have already authorised Carousell"
  5. I-select ang "Ok" 

Google+ login (Available lamang for Android users)

Android Users magbunyi! Ang pag-tap sa Google icon ay automatic na maglilink sa Google account na naka-sign in sa iyong android device. Ikaw ay mareredirect sa Carousell homepage pagka-tap dito.

Carousell Web*

  1. I-click ang "Login" sa bandang taas kanang bahagi ng page
  2. Mareredirect ka sa page kung saan kailangan mo ilagay ang iyong username at password

Kung na-link mo na ang iyong Facebook account sa iyong Carousell account, maaari mo na lamang i-select ang "Log in with Facebook" para makapag-login automatically!

 

*Some icon arrangements may differ on mobile browser view

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
2 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.