Paano baguhin ang aking nakarehistrong email address?

Lahat ng Carousellers ay maaaring magpalit ng kanilang nakarehistrong email address ngunit siguraduhin na ang email address na iyong ipapalit ay valid at paymamayari mo. Ang mga accounts na nakapagrehistro sa maling email address ay maaaring magresulta sa pagkasara ng kanilang Carousell account. Samantala, ito ang dalawa sa mga paraan para baguhin ang iyong email address, depende kung saan mo ina-access ang Carousell: 

 

  • Mobile app
  1. Buksan ang Carousell app
  2. Pumunta sa "Me" tab
  3. Sa iyong profile, i-tap anf "Edit Profile"
  4. Sa ilalim ng "Private Profile", makikita mo ang Email field
  5. I-type ang iyong nais na gamiting email address para i-rehistro sa iyong Carousell account

Matapos ito ay makakatanggap ka ng email na may verification link para ma-verify mo ang iyong bagong email address (Kung hindi gumana ang link, i-copy ang buong link at i-paste ito sa iyong browser)

 

  • Carousell Web*
  1. Pumunta sa https://carousell.com
  2. Mag-login sa iyong Carousell account
  3. I-click ang iyong profile picture
  4. I-click ang “Settings” sa drop down menu
  5. Sa ilalim ng "Private Profile", makikita mo ang Email field
  6. I-type ang iyong nais na gamiting email address para i-rehistro sa iyong Carousell account

Matapos ito ay makakatanggap ka ng email na may verification link para ma-verify mo ang iyong bagong email address (Kung hindi gumana ang link, i-copy ang buong link at i-paste ito sa iyong browser)

 

*Some icon arrangements may differ on mobile browser view

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 2 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.