Paano palitan ang Country location?

Ano ang pwedeng mangyari kapag pinalitan ko ang country location ko?

Ang Carousell marketplace ay "country-specific", ibig sabihin ay makakapag-browse, benta at bili ka lamang sa isang country marketplace at a time.

Ang location settings sa iyong profile ay ang magdedetermine kung ano ang mga makikita mong listings kapag nagbabrowse, at kung saan mapupunta ang mga bagong listings na pinost mo.

Halimbawa, kung papalitan mo ang iyong city to Kuala Lumpur, Malaysia, ang makikita mo lang na listings ay ang mga inupload sa Malaysia. Maging ang mga listings na ipopost mo ay mapupunta rin sa Malaysia marketplace at nakapresyong Ringgit (RM).

Subalit, para naman sa mga listings na ginawa bago mo pinalitan ang iyong city ay mapupunta sa kawalan ay hindi makikita on either cities. 

Paano palitan ang Country location?

Para palitan ang iyong country location sa Carousell, sundin lamang ang mga sumusunod na steps:

Mobile app

  1. Pumunta sa iyong profile page "Me"
  2. I-select ang "Edit Profile"
  3. Sa ilalim ng My City, piliin ang iyong city
  4. I-tap ang "Done"

Carousell Web*

  1. I-click ang profile picture mo na makikita sa bandang itaas kanang bahagi ng page.
  2. I-select ang Settings
  3. Sa ilalim ng Public Profile, makikita mo ang Current City at pwede mo nang i-enter ang city kung saan ka based
  4. I-click ang "Save"

Tandaan, lahat ng marketplaces sa Carousell are country-specific!

 

*Ang pagkakasunod-sunod ng icons ay pwedeng maiba ng pwesto kapag ang gamit ay mobile browser 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1 sa 5 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.