Paano maibabalik ang naka-archive na mga chat sa aking inbox?

Mayroong dalawang paraan para maibalik ang archived chats sa iyong inbox: automatic at manual restoration!

Para sa automatic na restoration ng archived chats, automatic na babalik ang archived chats mo sa iyong inbox kapag naka-receive ka ng panibagong message mula sa chat na iyon.

Para sa manual na restoration ng archived chats, tingnan ang mga sumusunod na pamamaraan para gawin ito:

Mobile app

iOS

Una, pumunta sa iyong inbox at pindutin ang "Archived"

Matapos ito, hanapin ang chat na gusto mong ibalik sa iyong inbox, i-swipe pakaliwa ang chat na ito, piliin ang "More" icon at pisilin ang "Move to Inbox".

Android

Pindutin ang "Archived" sa iyong inbox para makita ang iyong mga archived chat.

Matapos ito, i-tap at i-hold ang chat na gusto mong ibalik sa iyong inbox at may lalabas na folder icon sa bandang itaas.

Para i-restore ang archived chat, pindutin ang "More" icon sa may bandang itaas at kanang bahagi ng chat at pindutin ang "Move to Inbox".

 

Carousell Web

  1. I-click ang "Archived" sa iyong inbox para makita ang iyong mga archived chat.
  2. I-check ang box na nasa bandang kaliwa ng chat(s) na gusto mong i-archive at may lalabas na "Move to Inbox" option sa may bandang kaliwa sa taas ng iyong inbox.
  3. Para naman ibalik ang archived chat sa inbox habang nasa chat ka mismo, i-select ang "Move to Inbox" na nasa may taas at kanang bahagi ng chat.

Ang mga chat na ito ay marerestore sa iyong inbox at nakaposisyon alinsunod sa oras ng huling mensahe.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 1 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.