Paano mag-archive ng chats sa inbox?

Sa halip na i-delete ang chats, maaari mo ring piliin na i-archive lamang ang iyong chats para may record ka parin ng lahat ng transactions mo sa iba pang Carousellers. Narito kung paano:

Mobile app

Para mag-archive ng chat sa iyong inbox, i-swipe mo pakaliwa ang chat na gusto mo i-archive at pindutin ang "Archive" button. Matapos ito ay may lalabas na pop-up sa baba ng screen na nagsasabing na-archive na ang chat.

Para mag-archive ng chat habang ito'y bukas, i-click lang ang "More" symbol na nasa taas kanang bahagi ng chat. Matapos ito ay pindutin lamang ang "Archive chat" button.

Para naman ma-access ang iyong archived chats, pumunta sa iyong inbox at pindutin ang "Archived" button na nasa taas kanang bahagi ng page. Lahat ng chats na na-archive ay makikita roon.

Carousell Web

Para mag-archive ng chat(s) mula sa inbox, i-check ang box na nasa kaliwa ng chat at i-click ang "Archive" button na lalabas sa bandang itaas ng iyong inbox.

Para mag-archive ng chat habang ito'y bukas, i-click ang "Archive" button na nasa taas kanang bahagi ng page.

Para naman ma-access ng iyong archived chats, i-click lamang ang "Archived Chats" na makikita sa kaliwang column.

Ang mga chat na naka-archive na ay hindi na lalabas sa iyong inbox! 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.