Paano mag-sign up gamit ang Carousell Web?

Upang makapag-sign up para sa isang Carousell account gamit ang web browser (Chrome, Safari, Firefox), sundan lamang ang mga sumusunod na hakbang*:

  1. Pumunta sa https://carousell.com
  2. Pindutin ang “Sign Up” button na makikita sa bandang itaas at kanang bahagi ng pahina
  3. Matapos ito, i-type ang iyong valid email address, ang iyong mapipiling username, secure na password, at piliin ang bansa kung saan ka kasalukuyang nakatira
  4. Pindutin ang "Verify Phone Number"
  5. May lalabas na pop up page (kung walang lumabas, i-check kung naka disable ang ad-blockers ng iyong browser)
  6. Piliin ang iyong country code, i-enter ang iyong mobile number at i-click ang Submit
  7. Makakatanggap ka ng text message na may 6-digit confirmation code (Digits by Twitter). I-type ang code para ma-verify ang iyong phone number.

Kapag lahat ng kinakailangang impormasyon ay nailagay na at kapag na-check na ang "I'm not a robot", ang "Sign up for Free" button ay maaari nang ma-click at ang iyong account ay matagumpay na magagawa!

Sa puntong ito, nakatanggap ka na dapat ng verification email galing sa amin para ma-verify ang iyong account. Kakailanganin na ma-verify ang iyong Carousell account para makapag-benta sa Carousell marketplace.  

* Ang pagkakasunod-sunod ng icons ay pwedeng maiba ng pwesto kapag ang gamit ay mobile browser 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
5 sa 17 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.