Pano mag-delete ng chat conversations?

Ang pag-delete ng chats ay permanente at kapag na-delete na, hindi na ito mareretrieve hangga't may panibagong message na mareceive galing sa other Carouseller. Pero kapag ang chat ay na-delete na ng parehong users, hindi na ito magiging retrievable — kaya pagisipan muna mabuti bago mag-delete ng chat!

Hinihikayat namin ang users na i-archive muna ang chats bago i-delete kapag 100% sigurado na siguradong hindi na kailangang ang chat records na ito, at kapag nakakasiguro na hindi na makikipag-deal sa Carouseller na ito in the future.

Samantala, ito ang mga paraan kung papaano mag-delete ng chats:

Mobile app

iOS

Para mag-delete ng chats mula sa inbox view, i-swipe pakaliwa ang chat na gusto mong i-delete sa iyong inbox at i-tap ang "Delete".

Para mag-delete ng chats mula sa chat view, i-click ang "More" icon na nasa bandang itaas at kanang bahagi ng chat at i-tap ang "Delete Chat".

Android

Para mag-delete ng chats mula sa inbox view, i-tap & hold ang chat na gusto mo i-delete at may lalabas na bin icon sa may bandang itaas. I-tap ang bin icon para ma-delete ang chat.

Para mag-delete ng chats mula sa chat view, i-click ang "More" icon na nasa bandang itaas at kanang bahagi ng chat at i-tap ang "Delete Chat".

Carousell Web

Para mag-delete ng chat mula sa inbox view, i-check ang checkbox sa may bandang kaliwa at lalabasa ang "Delete" option sa may itaas na bahagi ng page. I-click ang "Delete".

Para mag-delete ng chat mula sa chat view, piliin sa dropdown arrow na katabi ng "Archive" sa bandang itaas na bahagi ng chat at may lalabas na option na "Delete"

Nabura na ang chat at hindi na makikita sa iyong inbox hangga't hindi ka nakakareceive ng message mula sa chat na iyon.

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
0 sa 0 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.