Wala akong na-receive na verification email

Kung hindi mo parin makita ang verification email o kung ang verification link ay nag-expire na, maaari kang magrequest na muling i-send ang verification email:

Gamit ang Mobile app

  1. Pumunta sa iyong profile page
  2. Pindutin ang Edit Profile
  3. I-enter muli ang iyong email address at piliin ang "Resend Email Verification"

Gamit ang Carousell Web*

  1. Pumunta sa iyong profile page
  2. Kung ang account mo ay hindi parin verified, makakakita ka ng option na "Resend email" sa taas ng iyong profile photo
  3. Piliin ang "Resend email"

Hindi ako nakatanggap ng email pagka-resend ng request

Kapag hindi ka pa rin nakakatanggap ng verification email pagkaselect ng "Resend", maaaring napunta ito sa iyong Junk mail o Spam folder dahil may ibang email service provider na automatic na finifilter ang ganitong klaseng emails. Kung ang ginagamit mo ay Gmail, maaari mo ring tingnan ang iyong "Social and Promotions" tabs.

Kung gumagamit ka ng Hotmail or Live, unfortunately, may ibang Hotmail at Live accounts na hindi talaga nakakatanggap ng verification emails dahil sa technical issue between email service providers. Para sa technical assistance, please click here.

 

*Ang pagkakasunod-sunod ng icons ay pwedeng maiba ng pwesto kapag ang gamit ay mobile browser 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
1 sa 6 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.