Paano mag-sign up para sa Carousell account gamit ang Carousell App?

Sa unang beses na pag-bukas mo ng iyong Carousell app, maaari ka nang mag-sign up or mag-login gamit ang Facebook, email address o Google+ (para sa Android users lamang).

  • Pag-sign up gamit ang email

Para gumawa ng Carousell account gamit ang iyong email address, sundin lamang ang sumusunod na mga hakbang:

  1. Piliin ang “Sign up or Log in with Email”
  2. Ilagay ang iyong mapipiling username, password, email address, at lungsod
  3. Pumili ng Profile Picture
  4. Pindutin and "Done/Sign up" at pwede ka nang magsimula!

Ang iyong Carousell account ay agarang magagawa at agad ka ding makakapasok sa iyong bagong Carousell account!

  • Pag-sign up gamit ang Facebook

Para gumawa ng Carousell account gamit ang Facebook, kailangan ay mayroon kang verified Facebook account. Sundin ang sumusunod na mga hakbang na makikita sa iyong Carousell homescreen: 

  1. Pindutin ang “Sign up or Login with Facebook”
  2. Pagkatapos, makakapili ka na mag-sign up gamit ang mga detalye galing sa iyong Facebook app (kung naka-install ito sa iyong device), o maaari mo ring piliin na mano-manong ilagay ang iyong Facebook credentials. Para makasiguro, nirerekomenda naming piliin ang “Log in with Phone Number or Email Address” para matiyak na ang mapipili mong Facebook account ang magagamit na pang-sign up
  3. Matapos ito, pindutin ang "Log in". Kung sakaling hindi na available ang pinili mong username, ibabalik ka sa sign up page para palitan ang iyong Carousell username

Ganun lang ka-simple! Sa susunod na pag-login, i-click lang ang "Sign up or Login with Facebook" option at makakapasok ka na kaagad sa iyong Carousell account sa dalawang clicks lang!

  • Pag-sign up gamit ang Google mail (para sa Android users lamang)

Kung mayroon ka nang Google Mail account o kung nais mo mag-sign up para sa isa, piliin lamang ang "Google" option sa home screen ng app. Matapos ito, papapiliin ka na mag-sign in gamit ang iyong existing Google+ account o na gumawa ng bago!

Pagkatapos nito ay makakatanggap ka ng email galing sa amin para mapatunayan na iyo nga ang account na iyon. Kailangan ay verified ang iyong Carousell account para makapag-benta ka sa Carousell marketplace. 

 

Nakakatulong ba ang artikulong ito?
9 sa 19 ang nagsabing nakakatulong ito
Mayroon ka pang mga tanong? Magsumite ng hiling

Mga Komento

0 komento

Sarado ang artikulo para sa mga komento.